TWSP ng TESDA isinagawa sa Liliw

0
601

Liliw, Laguna. Sinimulan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Brgy. Bayate, bayang ito ang programang “Turning on the Sun” na Training for Work Scholarship Program (TWSP) na nilahukan ng 25 TESDA scholars.

Mag aaral sila sa loob ng limang araw sa ilalim ng patnubay ni Joram Palconan ng Provincial Training Program ng TESDA-LLDA at magsasanay tungkol sa installation ng solar light.

Layunin nito na mabigyan ng bagong pag-asa ang kabataan upang maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay.

Katulong din sa nabangit na programa ang mga miyembro ng 82nd Special Action Company ng Special Action Force (SAF) na nakatalaga sa Cavinti Laguna. Pinangunahan ni Company Commander  Police Capt. Marlon H. Landong ang pagbibigay ng proteksyon sa mga scholar.

Tumanggap ng sertipiko ng pagtatapos ang mga scholar saksi ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay ng Bayate sa pamumuno ni Chairman Tirso Buenconsejo.

Si Vergel Soriano, Center Administrator TESDA-LLDA-PTC ang nagbukas ng programa sa isang mensahe at hinikayat ang mga scholars na maging masipag sa paghahasa ng kanilang kasanayan sa tulong ng TESDA.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.