UdM, nagbabala laban sa academic walkout

0
225

Matapos maihayag ang mga resulta ng halalan, bagama’t hindi opisyal ngunit nagpapakita na nangunguna si Ferdinand Marcos Jr. at nasa pangalawang pwesto si VP Leni Robredo sa karera ng pagkapangulo, ang mga panawagan para sa mga academic walkout at suspensyon ng mga klase ay lumutang.

Noong Mayo 9, idineklara ng University of the Philippines (UP) Office of the Student Regent sa kanilang Facebook page na “walang klase sa ilalim ng Marcos presidency” at inutusan ang mga mag-aaral na mag-walkout.

Hindi nagtagal, sumunod ang mga student council at kolehiyo kagaya ng Ateneo de Manila University, Far Eastern University, University of Santo Tomas, Polytechnic University of the Philippines, at Colegio de San Juan de Letran, bagama’t hindi sinabi kung ang kanilang mga desisyon ay bilang pagsuporta sa panawagan ng UP ay pinahintulutan ito ng mga opisyal ng paaralan.

Ang student coincil ng Letran ay nag-apela sa mga opisyal ng paaralan na suportahan ang pagsususpinde ng mga klase ngunit walang sagot  na isinapubliko.

Noong gabi ng halalan, ang mga organisasyon na karamihan ay binubuo ng mga kabataan ay nagkampo sa Liwasang Bonifacio sa Maynila, sa harap ng Manila Central Post Office, at nagsagawa ng mga rally sa labas ng tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros.

Ang ilan ay nagsagawa ng tinatawag na “Black Friday Protest” laban sa umano’y electoral fraud sa Philippine International Convention Center, kung saan sinusuri ng National Board of Canvassers ang senatorial at party-list votes.

Ang Universidad de Manila (UdM), na pinamamahalaan ng lokal na pamahalaan, ay mabilis na nagpalabas ng babala sa mga estudyante nito na ang pagsali sa mga naturang walkout ay maituturing na isang “grave offense”.

Sa isang memorandum na inilabas noong Huwebes, sinabi ni UdM president Ma. Felma Carlos-Tria ang mga patakaran nito matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa mga grupong nag-iimbita sa kanilang mga estudyante na mag-walk out.

Ang mga magulang ay nagpahayag din ng hindi pag sang ayon sa mga academic walkout at nag-post ang kanilang mga saloobin sa social media.

Si Nikko Buendia, na nagpakilalang magulang ng isang “homegrown Atenean from prep and currently a senior”, ay nag-post ng bukas na liham sa unibersidad noong Biyernes upang ipahayag ang kanyang pagkabahala sa partisan na paninindigan ng Quezon City school.

Sinabi niya na ang pagsuporta sa walkout “has encouraged young impressionable minds to blindly take up your cause against the enemy”.

Wala pang komento ang kampo ni Marcos hinggil sa mga naiulat na academic walkout.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo