Ulan at maling address, umabala sa mga bumbero na marating agad ang sunog sa Tandang Sora; 15 ang namatay

0
162

QUEZON CITY. Labing-limang katao ang namatay sa isang sunog noong Huwebes sa isang maliit na pabrik ng tahian ng damit sa isang residential na lugar sa lungsod a ito, kung saan ay naantala ang pagdating ng mga bumbero dahil sa baha, trapiko, at maling address, ayon sa isang fire protection official.

Karamihan sa mga biktima ay mga manggagawa sa pabrika at mga karpintero na natutulog sa mga kwarto ng sumiklab ang sunog kahapon ng umaga.

Ang ilan ay natagpuang patay sa isang pasilyo malapit sa mga kwarto at kasama sa mga namatay ang may-ari ng pabrika at ang kanyang anak, ayon kay Chief Superintendent Nahum Tarroza ng Bureau of Fire Protection.

Naantala ang pagdating ng mga bumbero ng mga 14 na minuto matapos ang malakas na ulan at hangin na nagdulot ng baha at trapik, at maling address na ibinigay sa mga bumbero, ayon kay Tarroza.

Sinabi ni Tarroza naiuutos niya ang pagsasagawa ng imbestigasyon ukol sa pagkaantala ng tugon ng mga bumbero.

Ang sunog sa residential enclaves sa Pleasant View sa Tandang Sora village sa suburban Quezon City ay napuksa sa loob ng dalawang oras. Isinasagawa ang imbestigasyon upang alamin ang sanhi ng sunog at kung may paglabag sa mga safety regulations na nilabag ang may-ari ng pabrika, ayon sa mga opisyal.

Ang pabrika ay nag-iimbak ng mga materyales na madaling magliyab at mga tela na ginagamit sa paggawa ng mga kasuotan at mga pintura na ginagamit sa pagtatatak ng mga commercial T-shirts, ayon sa mga opisyal ng barangay.

Ang pagtatayo ng mga gusali at residential enclave na hindi sumusunod sa safety regulations at ang mahinang pagpapatupad ng mga regulasyon ay nagdulot ng mga trahedya sa sunog sa Pilipinas sa nakalipas ng mga panahon.

Noong 1996, isang sunog sa isang nightclub ang nagresulta sa pagkamatay ng 162 katao, karamihan ay mga estudyante na nagdiriwang ng katapusan ng school year, sa Quezon City. Humigit-kumulang sa 400 katao ang nasa loob ng Ozone disco noong magkasunog, subalit marami ang hindi nakalabas dahil sa ang emergency exit ay nabara ng isang bagong gusali sa tabi nito.

Siyamnapu’t tatlo ang nasugatan sa nasabing sunog na isa sa mga pinakamalalaking sunog sa mga nightclub sa buong mundo sa mga nakaraang dekada.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.