Umaasa ang Comelec na lalahok ang BBM-Sara tandem sa debate

0
358

Umaasa ang Commission on Elections (Comelec) na ang tandem ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ng kanyang runningmate na si Davao City Mayor Sara Duterte, ay lalahok sa Pilipinas Debates 2022 na magsisimula sa Marso 19.

“We think that some people will take a little longer to come to a decision. We are willing to wait,” ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez sa isang panayam sa warehouse ng poll body sa Sta. Rosa, Laguna kanina.

“It will be very interesting to see if they will be there,” dagdag niya.

Gayunpaman, sinabi ni Jimenez na ayos lang kung magdesisyon ang tandem na laktawan ang debate.

“But, if they don’t want to avail of these opportunities, that’s fine. If they come on the day of the debate, then good. Come on, let’s have a debate,” dagdag niya.

Kanina, siyam sa 10 presidential bets ang nagpahayag ng kanilang intensyon na sumali sa event sa Sabado, ito ay sina Ernie Abella, Leody de Guzman, Isko Moreno Domagoso, Ping Lacson, Norberto Gonzales, Faisal Mangondato, Jose Montemayor Jr., Manny Pacquiao at Leni Robredo.

Para sa mga vice-presidential aspirants, ang mga nakatakdang sumali sa debate ay sina Walden Bello, Rizalito David, Manny Lopez, Doc Willie Ong, Kiko Pangilinan, Carlos Serapio, at Vicente ‘Tito’ Sotto III.

Pormal nang tumanggi si dating Manila Mayor Lito Atienza sa kadahilanang medikal habang hindi pa pormal na kinukumpirma ni Marcos at Duterte-Carpio ang kanilang pagdalo.

Ang presidential debate sa Marso 19 ay susundan ng pangalawa at pangatlong debate sa Abril 3 at Abril 24, ayon sa advisory.

Samantala, ang unang VP debate ay gaganapin sa Marso 20 at susundan ng pangalawang debate sa Abril 23.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.