Umaksyon si Yarra laban sa mga pulis na isinangkot sa kaso ng mga nawawalang sabungero

0
503

Calamba City, Laguna. Agad na iniutos ni PRO Calabarzon Regional Director, PBGEN Antonio C. Yarra ang pagtatanggal sa mga tauhan ng PNP na nakatalaga sa Provincial Intelligence Unit ng Laguna PNP noong panahong nangyari ang umano’y serye ng pagdukot sa mga nawawalang Sabungero bago idinaos ang Senate Hearing noong Lunes, Marso 21,2022.

Ang 3 tauhan na kinilalang sina Patrolman Roy Navarete, Police Staff Sergeant Daryl Paghangaan at Police Master Sergeant Michael Claveria ay dating miyembro ng Laguna Provincial Intelligence Unit. Dalawa sa kanila ang positibong kinilala ng mga testigo sa pagdinig ng Senado na umano’y sangkot sa pagdukot kay Ricardo “Jonjon” Lasco sa San Pablo, Laguna noong Agosto 30, 2021.

Inatasan na ni Yarra ang Regional Personnel and Records Management Division Chief, PCol Raquel B Lingayo, na mag-isyu ng mga utos para sa kanilang re-assignment sa loob ng kampo upang matiyak na magagamit sila sa imbestigasyon at upang hindi nila magamit ang kanilang mga posisyon upang maimpluwensyahan ang isinasagawang imbestigasyon.

“I have already ordered the relief of the 3 personnel from their present assignments and had them transferred  to Regional Headquarters as the investigation continues and we will make sure that all facts and information regarding this matter will be taken into consideration for the quick resolution of these cases and to give justice to the families of the missing victims,” ayon kay Yarra.

Matapos ng Senate Hearing, at pagkatapos na positibong tukuyin ng mga testigo na may kinalaman sa pagkawala ni Ricardo Lasco, nagpatawag si Yarra ng isang Special Case Conference na dinaluhan ng Director, Regional Internal Affairs Service (RIAS) 4A PBGEN Emmanuel T Hebron, ang Deputy Regional Director for Operations, PCol Edwin A. Quilates, Regional Legal Officer PCol Thomas M Valmonte at ang Chief, Regional Investigation and Detective Division, PCOL Francisco J Luceña III.

Magsasagawa ang RIAS 4A ng ‘motu propio’ (sarilig pagkukusa) na imbestigasyon sa umano’y iregularidad sa ilang operasyon ng iligal na droga ayon sa mga salaysay ng mga testigo sa pagdinig ng Senado at gayundin ang lawak ng pagkakasangkot nila sa kaso ni Lasco. Inatasan din ang Regional Investigation and Detective Division na magsagawa ng karagdagang validation at imbestigasyon hinggil sa usapin. Inatasan din ni RD Yarra ang concern unit na kumuha ng kopya ng Transcript of Records mula sa Senado upang masuri ang mga alegasyon a ausasyon laban sa mga pulis na sangkot dito.

Inatasan din ni PBGEN Yarra si PCol Raquel B. Lingayo na mag-isyu agad ng restrictive custody order sa sandaling makakita ang RIAS ng probable cause upang  magsampa ng kasong administratibo ang mga akusadong pulis. 

“Mabigat na usapin ang akusasyon sa ating mga tauhan tungkol sa kanilang partisipasyon sa mga nawawalang sabungero at hindi titigil ang ating pamunuan hangga’t hindi lumalabas ang katotohanan at nakapagdudulot ng hustisya sa mga biktima. Kung makakakita kami ng sapat na ebidensya para kasuhan sila, gagawin namin ito. The PNP has no space for erring personnel,” ayon sa regional director.

Samantala, inatasan din niya ang kasalukuyang Provincial Director ng Laguna na si PCOL Rogarth B Campo na magpaliwanag sa umano’y isang milyong piso na kanyang natanggap mula sa negosyante na si Atong Ang na isiniwalat nito sa Senate Hearing kahapon.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.