Umakyat sa 22% ang positivity rate ng COVID sa NCR

0
126

Umakyat sa 22% ang seven-day positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR), mula sa 16% noong nakaraang Disyembre 12, ayon sa ulat ng OCTA Research nitong Huwebes.

Binigyang-diin ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na ang kasalukuyang trend sa positivity rate ay nagpapakita ng posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga susunod na linggo. Ang positivity rate ay naglalarawan ng porsyento ng mga isinailalim sa COVID testing na nagpopositibo sa sakit.

“The current trajectory suggests that peak infections in Metro Manila will occur next week,” ani Dr. David, ngunit idinagdag na “this can still change.”

Inihayag din ni Dr. David na nasa 22% ng aktibong kaso ng COVID-19 sa buong bansa ang may severe at critical na kundisyon, habang ang 63% ay mild o asymptomatic.

Sa kabila nito, nananatiling mababa ang case fatality rate sa bansa na nasa 0.34%, kung saan isa sa 300 kaso ng COVID-19 ang nagiging sanhi ng kamatayan.

Sa panig ng Department of Health (DOH), tumaas ng 50% ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na linggo. Gayunpaman, nilinaw ni DOH Secretary Ted Herbosa sa panayam ng ANC na bagaman at lumalaki ang bilang ng kaso, hindi pa rin puno ng mga pasyente ang mga ospital.

“Our cases in the hospitals are not increasing. Even if our numbers of Covid-19 are reportedly higher, our hospitals are not yet getting filled up with cases of Covid-19,” saad ni Secretary Herbosa.

Sinabi rin niya na ang kasalukuyang sitwasyon ay dapat patuloy na bantayan at ituring na hamon sa lahat upang mapanatili ang kalusugan ng publiko.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo