Umupo si PBGEN Gaces bilang bagong regional director ng PRO CALABARZON

0
358

Calamba City, Laguna. Ipinasa ni Outgoing Chief Brig. General Jose Melencio Nartatez Jr. ang panunungkulan kay Police Brig. General Carlito Gaces bilang bagong hepe ng Police Regional Office CALABARZON (PRO CALABARZON) sa harap ng lahat ng pulis at tauhan ng nabanggit na PRO kahapon sa Camp Vicente Lim, Canlubang, Laguna.

Tinanggap ng bagong Regional Director ng PNP sa Calabarzon ang hamon na ipagpapatuloy niya ang mga programa ni Nartatez sa rehiyon. Nagpasalamat din siya kay Senator Imee Marcos at sa pamilya ni Presidente Marcos sa pagtitiwala na ibinigay sa kanya bilang bagong police director ng Timog Katagalugan.

Dumalo sa ginanap na turn-over si PNP Chief Rodolfo Azurin Jr, at pinuri niya  at pinasalamatan  ang kasipagan at kakayahan ni outgoing police regional director BGeneral Jose Melencio Nartatez Jr.

Sumaksi din sa paglipat ng tungkulin sina Col. Soliba ng Batangas; Col. Randy Glenn Silvio ng Laguna; Col. Monte ng Quezon; Col. Soliba ng Batangas ; Col. Baccay ng Rizal; at Col. Olazo ng Cavite.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.