Unang agri coop sa Calabarzon, pinarangalan

0
347

Sta. Cruz, Laguna. Pinarangalan ang Samahan ng Organikong Industriya ng Laguna-SOIL bilang unang Agriculture Cooperative sa Calabarzon, ika-apat sa buong Pilipinas.

Ang Certificate of Accreditation ng Department of Agriculture at Bureau of Agriculture and Fisheries Standard ay iginawad ni Dir. Vivencio R. Mamaril.

Tumanggap din ang kooperatiba ng financial assistance na magagamit nila sa kanilang organikong pagsasaka.

Ang Samahan ng Organikong Industriya sa Laguna ay binubuo ng Costales Nature Farm sa Majayjay Laguna na pag-aari ni Reden Mark F.  Costales, Gintong Bukid and Leisure ni Lourdes Arcasetas ng Nagcarlan, CHEFerd’s Farm ng Pagsanjan ni Emilio Climaco, Cocoa Vanilla Farms ng Santa Maria Laguna ni Marijane C. Ison at Sweet Nature Farms Santa Maria Laguna ni Ms.Suzette S. Sales.

Ayon  kay  Ms.Sales na Chairperson ng SOIL, hinihikayat nila ang mga bagong organic farmers. Bagaman ayon sa kanya ay mahirap ang proseso, tutulungan nila ang mga ito.

Nagpasalamat is Josephine F. Costales, Head Certification Committee ngSOIL matapos ang kanilang farm ang isa sa mabibiyayaan ng tulong upang muling makapag simula ng kanilang organikong pagsasaka sa bayan ng Majayjay.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.