Unang araw ng pagboto sa ibang bansa maluwalhating nagsimula

0
277

Maliban sa ilang hindi maiiwasang maliliit na isyu, iniulat ng Commission on Elections (Comelec) kahapon na ang unang araw ng pagboto sa ibang bansa na nagsimula noong Linggo para sa mga Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan sa ibang bansa ay “naging mapayapa”.

Sinabi ni Commissioner Marlon Casquejo na ang unang araw ng isang buwang electoral exercise ay nakaranas lamang ng maliliit na problema.

“So we can see that it is generally peaceful and the opening of our posts was successful except for some issues that can’t be avoided or logistical issues because of Covid-19 situations,” ayon kay Casquejo, pinuno ng Comelec-Office for Overseas Voting, sa isang press conference.

Sinabi niya na lahat ng post sa 92 post sa iba’t ibang bansa at teritoryo ay binuksan maliban sa sa Islamabad, Timor Leste, at Shanghai, China.

“In Islamabad, there has been an issue on the release of election materials at the Pakistan Customs and it is expected to be released today (Monday). For Timor Leste, the problem is the flights from the Philippines going to Timor Leste, so our Department of Foreign Affairs officials are on standby. There is an expected flight this Thursday via Kuala Lumpur going to Timor Leste,” ayon sa kanya.

Sinabi niya na ang Shanghai ay kasalukuyang naka-lockdown at ang mga kawani ay hindi maaaring pakilusin matapos ireport na lungsod ng China ay may 25,000 bagong impeksyon sa Covid-19 kahapon.

“All the materials are already in Shanghai but they have yet to be delivered to our posts because of the Covid-19 restrictions,” dagdag ni Garcia.

Iniulat din niya na magdadagdag sila ng limang vote counting machines (VCMs) sa Hong Kong bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga botante, lalo na sa mgag weekend.

Ang Hong Kong ay mayroong 93,886 na rehistradong botanteng Pilipino.

“We sent an advisory to the post to submit an additional five sets of Special Board of Election Inspector so by tomorrow or by Wednesday, our five VCMs will double,” ayon kay Casquejo.

Sa karagdagang mga VCM, sinabi niya na ang HK post ay kayang tumanggap ng hanggang 5,000 botante kada araw.

Pinabulaanan din ni Commissioner George Garcia ang mga pahayag sa social media na ang ilang mga balota sa Singapore at Dubai ay pre-shaded na.

“We did not receive any report from our post or any of our officials. Therefore, that is fake news,” ayon kay Garcia.

Kinumpirma naman ng Philippine Embassy sa Singapore ang isang kaso lamang ng sirang balota na “hindi sinasadya” na naibigay sa isang botante kahapon ng umaga.

Photo credits: Philippine Consul General to Hong Kong Raly Tejada Facebook
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.