Unang bagyo sa 2025: Auring, humina at naging LPA

0
72

MAYNILA. Humina na at tuluyang naging Low Pressure Area (LPA) ang Bagyong Auring, ang kauna-unahang bagyo sa Pilipinas ngayong 2025, ayon sa ulat ng PAGASA.

Lumabas na rin ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR), at maliit ang posibilidad na ito ay muling lumakas bilang bagyo sa susunod na 24 oras.

Sa kabila nito, asahan pa rin ang kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa maraming bahagi ng bansa. Maulan sa mga lalawigan ng Batanes, Ilocos Region, Babuyan Islands, Surigao del Sur, at Davao Oriental dahil sa epekto ng LPA, habagat, at easterlies. Nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa bunsod ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan.

Sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa, mararanasan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may posibilidad ng pulu-pulong pag-ulan o thunderstorms, na maaaring magdulot ng localized na pagbaha.

Katamtaman hanggang malakas ang hangin sa Hilagang at Kanlurang Luzon, kaya’t magiging katamtaman hanggang maalon ang kondisyon ng dagat sa mga lugar na ito. Samantala, magiging banayad hanggang katamtaman ang alon at hangin sa nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.