Unang batch ng Bivalent vaccines, darating na sa susunod na linggo

0
160

Inaasahan na darating sa bansa sa susunod na linggo ang unang batch ng mga COVID-19 Bivalent vaccines, ayon sa pangako ng bansang nag-donate.

“Ang mga Bivalent vaccines na ito, na mayroong humigit-kumulang na 391,000 doses, ay inaasahang darating na sa susunod na linggo,” pahayag ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

Ang Bivalent vaccines ay isang “modified” na bakuna na tumutugon sa kasalukuyang mga lumalabas na mga variant at subvariant ng Omicron, pati na rin sa orihinal na uri ng COVID virus.

Nagpapatuloy rin ang pakikipag-usap ng DOH sa COVAX Facility upang makuha ang inaasahang 2 milyong doses ng Bivalent vaccine na ibinigay ng mga miyembro ng United Nations.

Naantala at na-suspend ang paghahatid ng mga bakuna mula sa COVAX Facility matapos ang deklarasyon ng state of calamity para sa COVID-19 sa bansa noong Disyembre 31.

Ipinaliwanag ni Vergeire na noong Agosto 2022 pa nagsimula ang kanilang negosasyon sa mga tagagawa at ang hindi pagsasailalim sa state-of-calamity ang dahilan ng pagkaantala.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.