Unang batch ng Pinoy repatriates mula sa Ukraine, nakauwi na

0
441

Nakauwi na sa bansa ang anim na Filipino nationals mula sa Ukraine kahapon, ilang araw matapos ipahayag ng gobyerno ang libreng repatriation flights para sa mga Pinoy sa Eastern European na apektado ng krisis na sanhi ng namumuong giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Dumating ang anim na Pilipino kabilang ang isang menor de edad, sa pamamagitan ng Turkish Airlines flight 84 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Inilunsad ang programang repatriation dahil sa pangamba na sasalakayin ng Russia ang Ukraine habang nagtitipon ang mga sundalo nito sa mga border ng Ukraine. Tinataya ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may mahigit na 350 Pilipinong naninirahan sa bansang Europe.

“The department continues to monitor the situation in Ukraine’s borders while the Philippine Embassy in Poland remains in touch with the Filipino community inside Ukraine,” it said,” ayon sa ahensya.

Sinabi ng DFA na ang repatriation ay naging posible sa pamamagitan ng pakikipag koordinasyon sa pagitan ng embahada, ng Philippine Honorary Consulate General sa Kyiv, at ng Philippine Consulate General sa Istanbul upang matiyak na ang tulong ng gobyerno ay maibibigay sa grupo sa lahat ng transit point.

Apat sa anim na repatriates ang sumakay sa mga internasyonal na flight mula sa Kyiv habang dalawa ang sumakay sa kanilang mga flight mula sa Lviv.

“Hinihikayat namin ang lahat ng mga Pilipino sa Ukraine na makipag-ugnayan sa Embahada ng Pilipinas sa Warsaw at sa Philippine Honorary Consulate General sa Kyiv kung nais nilang humiling ng tulong sa pag uwi mula sa Ukraine,” ayon kay Philippine Ambassador to Poland Leah Ruiz.

Ang mga Pilipino sa Ukraine na nangangailangan ng tulong sa pag uwi ay pinapayuhan na makipag-ugnayan sa Embahada ng Pilipinas sa Poland sa pamamagitan ng email (warsaw.pe@dfa.gov.ph); emergency mobile no. +48 604-357-396; at office mobile no. +48 694-491-663.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.