Unang BPSF gaganapin sa Laguna: Limampung serbisyo ng pamahalaan ilalapit sa mga Lagunense

0
293

STA. CRUZ, Laguna. Sa Nobyembre 4-5, 2023, ang Laguna Sports Complex sa Brgy. Bubukal ay magiging sentro ng makasaysayang okasyon, kung saan mahigit sa limampung serbisyong pampamahalaan ang ihahatid ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa mamamayan ng Laguna.

Nagiging masuwerte ang Laguna sapagkat ito ang unang probinsya sa buong CALABARZON Region na napili na kauna unahang lalawigan na pagdadausan ng BPSF, isang proyektong itinataguyod ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Layunin ng BPSF na mailapit sa mga mamamayan ang mga pangunahing serbisyo na inaalok ng pamahalaan. Magbibigay ito ng pagkakataon sa kanila na makilala ang mga serbisyong panlipunan, pangkabuhayan, edukasyon, mga regulasyon, at iba pa.

Inaanyayahan ni Laguna Governor Ramil L. Hernandez ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng serbisyo ng BPSF sa Laguna Sports Complex sa ika-4 hanggang ika-5 ng Nobyembre 2023.

Para sa mga interesadong kumuha ng mga serbisyo, maaring magparehistro sa pamamagitan ng pag-scan ng QR code o bisitahin ang sumusunod na link: https://www.bagongpilipinastayo.com/

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.