Unang command visit ni RD Yarra sa Laguna PPO: Mga pulis ginawaran ng PNP Commendation Medal

0
376

Sta. Cruz, Laguna. Bumisita si CALABARZON Regional Director PBGEN YARRA sa Laguna Poilice Office Lungsod na ito kanina.

Si Yarra ay tinanggap ni Laguna Police Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo at pinarangalan ang kanyang pagdating.

Tampok ng ginananap na command visit ang paggawad ng Medalya ng Papuri sa mga karapatdapat na tauhan ng nabanggit na police office kasama sina Deputy Regional Director for Operations (DRDO) PCOL Gerardo L. Umayao, Hepe, RPRMD PCOL Raquel B. Lingayo, at Laguna Police Provincial Director PCOL Campo.

Kabilang sa mga sinabitan ng PNP Commendation Medal sina PLTCOL Paulito M. Sabulao, Chief of Police, at PSSg Rodel R Blanca ng Sta Rosa City Police Station (CPS), PMAJ Jameson E. Aguilar, Chief of Police, at PCpl Erwin P Bayangan ng Bay Municipal Police Station (MPS), PMAJ Silver S. Cabanillas, Chief of Police, at PSMS Abe L Lopez ng Siniloan MPS, PLT Amado J. Basilio, Jr., Chief of Police, at PCpl Rex M. Baldon ng Liliw MPS.

Pinangunahan din ni PBGEN YARRA ang isang command conference pagkatapos ng programa kung saan ay iniharap ni PCOL CAMPO ang mga Accomplishment ng Laguna PPO bilang resulta ng sistematikong Enhance Management Police Operation na isinagawa ng lahat ng istasyon at iba pang unit.

Sa kanyang mensahe sa command conference, pinuri ni PBGEN Yarra ang Laguna PPO sa kalinisan ng mga opisina at ng kampo. Pinahahalagahan din niya ang pagsisikap ng probinsiya ng pulisya para sa pagsasaayos ng ilang gusali sa loob nito.

Ipinaalala ng bagong talagang na RD ng PRO4A Calabarzon ay muling iginiit sa Hepe, ang 3D mantra ng PNP na  distinct, discipline, at decorum. Binigyang-diin din niya ang kanyang 4As na kinabibilangan ng aptitude, attitude, actions, at accountability.

“I am here today to remind all of you of our police functions. I also challenge everyone to walk out of their comfort zone and try to improve, develop and learn new things, which is very useful in our PNP organization,” ayon pa rin sa mensahe ni Yarra.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.