Unang Convergence Area Development Plan, pinasinayaan sa bayan ng Rizal

0
344

Rizal, Laguna. Pinasinayaan sa Calabarzon ang kauna unahang Convergence Area Development Plan o CADP na ginanap kanina sa Tanaw De Rizal, Brgy.Tala sa bayan ito .

Dumalo sa ginanap na pasinaya sina Department of Agriculture Regional Executive Director Vilma Dimaculangan, Usec. Atty.Ranibai Dilangalen, ang tagapagsalita ni Usec.Waldo Carpio na si Ms.Elaine Gener, Ms.Elizabeth Z.Villapando-PARO at DENR Regional Executive Director Nilo B.Tamora.

Ang CADP ay bahagi ng programa ng National Convergence Initiative for Sustainable Rural Development. Ang unang CAPD ay naisakatupatan sa tulong ng Department of Agriculture-DA, Department of Environment and Natural Resources-DENR Department of Interior and Local Government-DILG, at ng Department of Agrarian Reform.

Ayon kay Mayor Vener P. Muñoz, “natatanaw na ang pag unlad ng bayan ng Rizal dahil sa patuloy na proyektong naisasagawa dito.” Nagpasalamat din si Muñoz sa suporta ng buong Sanggunian ng bayan ng Rizal na aniya ay nagbigay daan sa pagsasakatuparan nito.

Sinabi naman ni Vice Mayor Tony Aurelio na labis ang kanyang pasasalamat sa National Convergence Initiative for Sustainable Rural Development (NCI-SRD) sapagkat natupad na aniya ang matagal na nilang minimithing tulong mula sa mga nabanggit na ahensya.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.