Unang cruise call sa MIMAROPA Region at sa Pilipinas para sa 2023

0
159

Puerto Princesa, Palawan: Mabuhay!

Puerto Princesa City, Palawan. Dumating sa lungsod na ito ang 560 cruise passengers at 482 crew matapos matagumpay na mai-angkla ng MV Seabourn Encore, ang unang cruise call nito sa Puerto Princesa Seaport noong umaga ng Pebrero 09, 2023.

Ito ang unang cruise call sa Pilipinas mula noong pansamantalang isinara ng COVID-19 ang mga border ng Pilipinas noong 2020. Mainit na tinanggap nina Regional Director Azucena C. Pallugna, Ph.D. ng Department of Tourism MIMAROPA, Puerto Princesa City Mayor Lucilo R. Bayron, PPA Manager Elizalde M. Ulson, at iba pang lokal na opisyal ang mga panauhin sa cruise sa pamamagitan ng mga cultural dances at ceremonial activities.

Sa kanilang shore excursion, binisita ng mga pasahero ang ilan sa mga sikat na atraksyon sa Puerto Princesa City tulad ng Puerto Princesa Underground River na isang UNESCO World Heritage Site at isa sa New7Wonders of Nature, Honda Bay islands, City Tour, at iba pa.

Ang MV Seabourn Encore ay umalis mula Singapore patungong Puerto Princesa City, Palawan noong Pebrero 5, 2023. Habang sinusulat ang balitang ito, ang cruise ship ay tumutulak sa iba pang destinasyon ng Pilipinas patungo sa Coron, Manila, Boracay, at iba pang mga bansa sa Southeast Asia. Ito ang 1 sa 22 cruise call na naka-iskedyul sa Puerto Princesa City at 1 sa 41 sa MIMAROPA Region ngayong taon. 

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.