inilabas ng MPCALA Holdings Inc. (MHI), isa sa mga subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang toll road development arm ng Metro Pacific Investment Corporation (MPIC), ang kauna-unahang fully electric security vehicle ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX).
Hakbang ito ng toll road company tungo sa layunin nitong gawing ‘green highway’ ang CALAX. Plano ng kompanya ang palitan ng electric vehicle (EV) ang lahat ng service vehicles nito sa CALAX. Nauna na rito ang paggamit ng MHI ng electric bus bilang pang araw-araw na shuttle service ng mga empleyado nito. Nakatakda ring mag lagay ng EV charging stations ang MHI sa kahabaan ng CALAX para na rin sa mga naanggit na electric vehicles.
“Ang mga lumang security at patrol vehicles sa CALAX ay unti-unti naming pinapalitan ng electric vehicles. Ito ay sa dahil ang EV ay naglalabas ng mas mababang carbon footprint kumpara sa tradisyonal na internal combustion engine vehicles. Ito ay isa sa mga hakbang na aming isinasagawa bilang aming bahagi sa pagde-decarbonize ng transport sector ng bansa. Ito rin ay alinsunod sa hangarin ng bansa na mabawasan ang ating fossil fuel consumption kasabay ng sustainable development,” ayon kay Christopher C. Lizo, Metro Pacific Tollways Chief Finance Officer and Senior Executive Sponsor for Sustainability.
Ang bagong EV ng CALAX ay mula sa eSakay, isa sa mga subsidiary ng Meralco na gumagawa ng end-to-end EV at charging infrastructure solutions.
Kevin Pamatmat
Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.