Uncharted’ inalis sa mga sinehan sa PH dahil sa 9-dash line scene

0
373

Hinarang kahapon ang pagpapalabas ng pelikulang “Uncharted” ng Hollywood sa mga sinehan sa Pilipinas dahil sa isang eksenang naglalaman ng larawan ng nine-dash line, isang invisible na demarcation na naglalarawan ng pagmamay ari ng China sa South China Sea.

Ang nine-dash line image ay ” salungat sa pambansang interes,” ayon sa DFA at hiniling nito sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na muling suriin at i-pull out ang screening ng adventure film kung saan ay bida si Tom Holland.

Batay sa isang tugon na sinipi ng DFA, sinabi ng MTRCB na sila ay “nag-utos na sa Columbia Pictures Industries Inc. na itigil ang pagpapalabas ng nabanggit na pelikula, maliban kung naputol na ang mga hindi kanais-nais na eksena.”

Iniulat din ng MTRCB na sumunod na ang Columbia sa utos nito at inalis na ang pelikula sa mga sinehan.

The nine-dash claim is contrary to national interest, which has been settled in the 2016 Arbitral Award. The Arbitral Tribunal held that China’s nine-dash line has no legal basis as its accession to UNCLOS has extinguished any of its rights that it may have had in the maritime areas in the South China Sea,” ayon sa DFA.

“China also never had historic rights in the waters within the nine-dash line,” dagdag pa nito.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo