Under water volcano pumutok: Sinusubaybayan ng DFA ang kalagayan ng 800 Filipino sa Fiji, Samoa, Tonga

0
228

Kasalukuyang binabantayan ng Philippine Embassy sa Wellington ang sitwasyon ng humigit kumulang na 800 Filipino sa Tonga, Samoa, at Fiji matapos pumutok ang underwater volcano noong Sabado, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa isang pahayag noong Linggo, sinabi ng DFA na ang pagputok ay nagdulot ng mga tsunami at malakas na alon na umabot sa Tonga, Samoa, at Fiji, at ang mga residente ay lumilipat sa mas mataas na lugar.

Idinagdag nito na naputol ang communications systems sa mga lugar na iyon.

“Coordination efforts with local authorities and community leaders are ongoing to ascertain the situation on the ground and the condition of the Filipinos in Tonga (87), Samoa (300), and Fiji (400),” ayon sa DFA.

Samantala, naglabas din ng tsunami advisories para sa mga coastal areas ng New Zealand, Japan, at US western states.

Sinabi nn News Zealans Prime Minister Jacinda Ardern na walang mga ulat ng pagkamatay o pinsala sa Tonga na may kaugnayan sa pagputok ng bulkan noong Linggo dahil nasira ang mga linya ng komunikasyon gaya ng telepono at koneksyon sa internet sa mga apektadong lugar.

Noong Sabado, isang bulkan sa ilalim ng dagat sa Tonga ang sumabog. Nagdulot ito ng mga babala ng 1.2-meter tsunami waves.

Inutusan ang mga tao na lumikas sa mga baybayin sa Tonga.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.