Underwater drone ng China natagpuan sa Masbate

0
55

MAYNILA. Isang underwater navigation and communication system ang natagpuan ng mga lokal na mangingisda sa San Pascual, Masbate noong Lunes at agad na itinurn-over sa Philippine Navy ng Bicol police.

Sa isang panayam nitong Huwebes, sinabi ni Police Regional Office V Chief Police Brigadier General Andre Dizon na ang sistema ay may hugis-silindro at may kasamang steel antenna.
“Base doon sa marking na nakita, ang lumalabas nga po ay ito ay Chinese underwater navigation and communication system po,” ayon kay Dizon.

Ayon sa opisyal, kanilang itinurn-over ang nasabing sistema sa Philippine Navy noong Disyembre 31, 2024, upang magsagawa ng mas malalim na imbestigasyon.

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagtanggap ng remotely operated submersible drone mula sa Philippine National Police (PNP).
“The Navy is currently conducting further investigation to determine its origin and purpose,” ayon sa pahayag ng AFP.

Nagbigay din ito ng papuri sa pagkilos ng mga mangingisda at ng PNP sa mabilis na pag-uulat ng mga kahina-hinalang aktibidad. “We commend their vigilance and continued support in reporting suspicious activities and encourage ongoing cooperation to ensure the effective monitoring of our territorial waters,” dagdag pa ng AFP.

Tiniyak din ng AFP ang kanilang dedikasyon sa pagprotekta ng maritime domain ng bansa. “The military organization is committed to ensuring the safety and security of our maritime domain, with all necessary resources mobilized to address similar and other situations with the utmost diligence,” giit ng AFP.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Philippine Navy upang alamin ang pinagmulan at layunin ng nasabing underwater drone.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.