UPDATE: Panglimang suspek na pumuga sa Pasay detention facility, nahuli na

0
569

Calamba City, Laguna. Nahuli na ng mga tauhan ng pinagsanib na pwersa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at Warrant and Subpoena Section ng Pasay City police ang pang limang suspek na tumakas sa bilangguan ng madaling araw ng Abril 3.

Kinilala ni Pasay police chief P/Col. Froilan Uy ang nadakip na suspek na si Christian Salvatierra y Samson, 40 anyos, residente ng 353 Tramo Riverside, Brgy. 156, Pasay City.

Ayon kay Uy, pinamunuan ni SDEU-OIC PSMS Jonathan Bayot ang joint operation na nagbunga ng pag aresto kay Salvatierra bandang alas 4:45 ng hapon sa Mabolo St., Brgy. Parian, Calamba City, Laguna.

Si Salvatierra na nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o anti-illegal gambling at RA 9165 (anti-illegal drugs law) ay naiturn-over na  ng Calamba City police sa Pasay City police.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Pasay Mayor Imelda Calixto-Rubiano ang mga pamilya at mga mahal sa buhay ng mga detainees at-large na himukin silang sumuko.

“Sana po sumuko na po kayo. Huwag na po ninyong gawin ‘yan kasi baka mamaya mapaano pa po kayo sa labas. Eh mas maganda po bumalik na kayo at binibigyan naman kayo ng pagkakataon ” ayon sa assurance ni Calixto-Rubiano.

Nag-aalok ang Pasay City government ng reward na PHP30,000 bawat detainee para sa anumang impormasyon na maaaring humantong sa kanilang pag-aresto.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.