US Coast Guard darating sa PH para tumulong sa oil spill cleanup

0
225

Darating sa bansa sa mga susunod na araw ang USCG at ang pinakamalaking strategic airlifter ng US Air Force, ayon sa inilabas na balita ng Presidential Communications Office kahapon.

Ipinaalam na ni Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr., Officer-in-Charge ng Department of National Defense, kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang United States Coast Guard (USCG) at ilan sa mga air asset nito ay tutulong sa patuloy na paglilinis sa malawakang oil spill sa Mindoro.

“We are looking forward to the arrival of the entire US Coast Guard contingent for the additional technical support in our disaster response operations. Although one US C-17 with equipment (60K loader) already arrived this morning and is now at Subic Air Base, another C-5 is expected to arrive,” ayon kay Galvez.

Noong Sabado ng umaga, nagsagawa ng aerial inspection si Galvez, ang siya ring chair National Disaster Risk Reduction and Management Council, sa mga apektadong lugar kasama sina Office of the Civil Defense Undersecretary Ariel Nepomuceno, Philippine Coast Guard chief Admiral Artemio Abu, at iba pang Armed Forces at mga opisyal ng lokal na pamahalaan.

Sinabi rin ni Galvez na ang presensya ng US National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) ay nakatulong ng malaki sa paglilinis sa pamamagitan ng pagbibigay ng mabilis na environmental assessments sa mga apektadong lugar, pagtukoy sa mga prayoridad na lugar na may panganib sa pagkasira ng kapaligiran, at pagtatasa ng mga pangangailangan para sa pagpapanumbalik ng ecosystem.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.