US nag-deploy ng mid-range missile system sa Northern Luzon para sa military exercise

0
198

MAYNILA. Sa isang hindi tinukoy na lokasyon sa Northern Luzon, kasalukuyang matatagpuan ang Mid-Range Capability Missile System (MRCS) ng United States Army bilang bahagi ng Exercise Salaknib 24 kasama ang Philippine Army.

Ito ang unang pagkakataon na idineploy ang MRCS system sa bansa. Nagbibigay ito sa US forces ng kakayahan na ilunsad ang Standard Missile 6 at Tomahawk Land Attack Missiles (TLAMs) sa Luzon Strait.

Ayon sa ulat nitong Huwebes, itatampok sa Exercise Balikatan 2024, kasunod ng Salaknib 24, ang SM6 Missile System na may abilidad na umabot hanggang 300 nautical miles o mahigit 500 kilometers. Ito ay lampas pa sa 370 kilometer distance mula sa northernmost point ng Pilipinas patungong southern Taiwan.

Ngunit, kinondena ng mga kritiko ang nasabing hakbang.

“Sa pamamagitan ng pagpayag sa paglalagay ng (Tomahawk missile launchers sa lupa ng Pilipinas), malinaw na ipinahahayag ni President Marcos ang mapanupil na layunin laban sa Tsina, binibigyan ang US ng kakayahan na maglunsad ng mga atake mula sa ating teritoryo patungo sa bansang Tsina,” sabi ni Antonio Tinio, tagapagsalita ng citizen’s movement group P1NAS.

“Nanganganib na mapataas nito ang kasalukuyang alitan… at ilalagay sa peligro ang buhay ng mga Pilipino sa tuwid na daan ng atake o pagsalakay sakaling magkaroon ng digmaan, dahil tiyak na itututok ng Tsina ang kanilang mga lunsaran,” dagdag pa ni Tinio.

Sa kabila ng kritisismo, sinabi ni Balikatan 2024 Executive Agent Colonel Mike Logico na hindi isasagawa ang paglulunsad ng SM6 sa pagsasanay.

“We are testing the feasibility of bringing this weapon system by air and offloading it into a secure and established place,” paliwanag ni Logico.

Inamin din niya na ang mga pagsasanay sa pagitan ng US at Pilipinas sa northern Luzon ay dahil sa lapit nito sa Taiwan, isang potensyal na sentro ng tensyon sa Tsina.

Samantala, sumang-ayon naman sa hakbang na ito ang maritime expert na si Jay Batongbacal.

“Given the current geopolitical environment and concerns over China’s increasing aggressiveness, it’s alright, I think, to prepare for it,” sabi ni Batongbacal.

“It shows, in case of any contingency, there’s the capability to respond. It gives assurance that anyone attempting to destabilize the region will not have an easy time. There’s a deterrence factor as well,” patuloy ni Batongbacal.

Sa isang press conference, ikinabahala naman ng China ang aksyon na ito.

“China strongly opposes the US deploying medium-range ballistic missiles in the Asia-Pacific and strengthening forward deployment at China’s doorstep to seek unilateral military advantage,” ani Foreign Ministry Spokesperson Lin Jian.

“We urge the US to earnestly respect other countries’ security concerns, stop stoking military confrontation, stop undermining peace and stability in the region, and take concrete actions to reduce strategic risks. The Philippines needs to see and be mindful of what the US is truly after and the consequence of going along with the US on deploying MRBMs (Medium Range Ballistic Missiles),” giit ni Lin.

Idinagdag pa niya, “The Philippines needs to think twice about being a cat’s paw for the US at the expense of its own security interests, and stop sliding down the wrong path.”

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.