US nagbigay ng ₱1.9 milyon na kagamitan sa Philippine Coast Guard

0
364

MAYNILA. Nagkaloob ang Estados Unidos ng ₱1.9 milyon ($34,500) halaga ng kagamitan para sa Fleet Maintenance and Repair Group (MRG) workshop ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Sangley Point, Cavite, ayon sa pahayag ng US Embassy nitong Biyernes.

Tinanggap ni PCG Fleet Commander Rear Admiral Rommel Supangan ang donasyon at tinawag itong “isa na namang mahalagang hakbang” sa pagpapatibay ng kooperasyon para sa maritime security. “Ito ay isa pang mahalagang bahagi ng aming capability buildup,” ani Supangan.

Ayon kay INL Director Kate Riche, makatutulong ang bagong kagamitan at backup power supply upang higit pang mapalawak ang repair program ng PCG. Nangako rin siyang magpapatuloy ang suporta ng Estados Unidos sa mga pangangailangan ng coast guard, partikular sa vessel maintenance.

Bago nito, pinondohan ng US Department of Defense ang ₱54 milyon ($950,000) na pasilidad, habang ang INL ang nagdisenyo at naglagay ng kagamitan. Inaasahan din ang karagdagang tulong mula sa Amerika sa pamamagitan ng training, logistics planning, at dagdag pang equipment donations.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo