US troops, standby lang sa ibang lugar sa West Philippine Sea

0
125

MAYNILA. Nagsasagawa ng pagsusuri ang Pilipinas ukol sa posibilidad ng pagpapakalat ng mga tropang Amerikano sa iba pang mga lugar sa West Philippine Sea, kasunod ng pagkakatatag ng isang task force na nakatutok sa Ayungin Shoal, ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez noong Biyernes.

“Still under consideration by DND (Department of National Defense),” ani Romualdez nang tanungin kung ilalagay ba sa standby mode ang mga tropang Amerikano sa iba pang bahagi ng nasabing karagatang mayaman sa natural resources.

Ang US Task Force Ayungin, na inihayag kamakailan ng US Defense Secretary Lloyd J. Austin III, ay itinatag bilang bahagi ng pagsuporta ng Washington sa mga puwersang Pilipino sa mga maritime zones ng bansa. Gayunpaman, binigyang-diin ni National Security Adviser Eduardo Año na hindi direktang makikilahok ang mga tropang Amerikano sa mga aktwal na misyon sa West Philippine Sea.

Ipinaliwanag ni Romualdez na ang pagkakatatag ng task force ay alinsunod sa Visiting Forces Agreement (VFA) at Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo