Natukoy sa New York ang limang bagong kaso ng Omicron variant kahapon matapos makita sa California ang unang kaso nito noong December 1, 2021.
May mga naireport ding mga bagong kaso sa Minnesota, Hawaii at Colorado.
Ang unang kaso na natuloy sa California ay galing sa South Africa noong Nobyembre 22 at nasuri na positive sa Omicron variant noong Nobyembre 29, ayon kay Dr. Anthony Fauci, director of the National Institute of Allergy and Infectious Diseases sa isang briefing sa White House.
Ang nabanggit na unang kaso ay fully vaccinated bagaman at wala pa itong booster dose ngunit nakararanas ngayon ng mild symptoms at patuloy na gumagaling, ayon kay Fauci.
Samantala, sampu na ang kaso ng Omicron variant sa buong Amerika matapos kumpirmahin ang limang bagong kaso sa New York kahapon.
Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.