Uulan sa Luzon, Visayas dahil sa LPA trough, ‘amihan’

0
302

Dapat maging handa sa mga pag ulan ang mga uuwi at magla-last minute shopping sa buong Luzon at Visayas ngayong Biyernes, dalawang araw bago ang Pasko.

Ayon sa 5:00 am bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang northeast monsoon at low-pressure area (LPA) ay magdadala ng mga pag-ulan sa mga lugar na ito.

Iiral ang mga pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera region, Aurora, Quezon, Camarines Norte, at Camarines Sur dahil sa northeast monsoon.

Ang LPA ay huling natunton sa 355 km. silangan-timog-silangan ng Surigao City, Surigao del Norte, ay magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Visayas, Palawan, at sa natitirang bahagi ng rehiyon ng Bicol.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng Luzon ay makakaranas ng isolated rain showers dulot ng localized thunderstorms.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo