MAYNILA – Umakyat na sa 18 ang bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Uwan, ayon sa Office of Civil Defense nitong Martes. Iba’t ibang rehiyon sa Luzon at Visayas ang nag-ulat ng mga kaso habang patuloy ang pagtugon ng mga awtoridad sa pinsalang iniwan ng bagyo.
Sa isang press briefing, sinabi ni OCD Deputy Administrator for Administration Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV na ang mga nasawi ay mula sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol, Western Visayas, at Eastern Visayas.
Ayon kay Alejandro, tatlo ang nasawi sa Region 2 dahil sa landslide, labindalawa sa CAR na karamihan ay dulot din ng landslide, isa sa Region 5 dahil sa pagkalunod, isa sa Region 6 dahil sa electrocution, at isa sa Region 8.
Dalawa naman ang iniulat na nawawala habang 28 ang nasugatan.
Ayon sa PAGASA, humina na si Uwan bilang severe tropical storm at lumabas na sa Philippine Area of Responsibility nitong Martes ng umaga. Gayunman, nananatiling nakataas ang ilang wind signal sa hilagang bahagi ng bansa.
Signal No. 2
- Batanes
- Kanlurang bahagi ng Ilocos Norte kabilang ang Sarrat, Paoay, Bangui, Burgos, Bacarra, Currimao, Pasuquin, San Nicolas, Laoag City
Signal No. 1
- Hilaga at gitnang bahagi ng Cagayan kasama ang Babuyan Islands
- Apayao
- Abra
- Kalinga
- Kanlurang bahagi ng Mountain Province kabilang ang Besao, Tadian, Sagada, Bauko, Sadanga, Bontoc, Sabangan
- Hilagang kanlurang bahagi ng Benguet kabilang ang Bakun, Kibungan, Kapangan, Mankayan
- Natitirang bahagi ng Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- Hilaga at gitnang bahagi ng La Union kabilang ang Luna, Caba, Santol, Bauang, San Fernando City, San Juan, Bagulin, Bangar, San Gabriel, Burgos, Naguilian, Bacnotan, Sudipen, Balaoan
- Kanlurang bahagi ng Pangasinan kabilang ang Bani, Bolinao, Anda, Agno
Patuloy ang pagmomonitor ng mga ahensya habang ina-assess ang lawak ng pinsala at tinitiyak ang tulong para sa mga apektadong komunidad.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo





