Uwan lumalakas sa WPS, Signal Nos. 4 at 5 itinaas, 1 milyon inilikas

0
554

MAYNILA – Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 sa walong lugar sa Luzon ngayong Lunes, habang nananatiling malakas si Typhoon Uwan sa West Philippine Sea, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Sa 8 a.m. bulletin, sinabi ng PAGASA na patuloy ang pag-ulan at matitinding hangin sa mga lugar na nasa ilalim ng mas mataas na wind signals. Batahin ang sumusunod na talaan ng mga apektadong lugar:

TCWS No. 4
Luzon:
Western portion ng Nueva Vizcaya, western portion ng Mountain Province, southern Abra, western Ifugao, Benguet, central at southern Ilocos Sur, La Union, at northern at western Pangasinan.

TCWS No. 3
Luzon:
Western portion ng Isabela, southern Apayao, Kalinga, natitirang bahagi ng Ifugao, Abra at Mountain Province, northwestern Quirino, southern Ilocos Norte, natitirang Ilocos Sur, Pangasinan at Nueva Vizcaya, northern Nueva Ecija, northern at central Tarlac, at northern Zambales.

TCWS No. 2
Luzon:
Cagayan kasama ang Babuyan Islands, natitirang Isabela, Quirino, Apayao at Ilocos Norte, Aurora, natitirang Nueva Ecija, Tarlac at Zambales, Pampanga, Bulacan, Bataan, northern at central Quezon kabilang ang Polillo Islands, Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite, Batangas, northern Marinduque, northern Oriental Mindoro, northern Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Islands, at western Camarines Norte.

TCWS No. 1
Luzon:
Batanes, northern Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands, natitirang Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, western at central Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands, Romblon, natitirang Oriental at Occidental Mindoro, natitirang Quezon at Marinduque.
Visayas:
Northwestern Northern Samar, northern Iloilo, Capiz, Aklan, at northern at central Antique kabilang ang Caluya Islands.

Ayon sa PAGASA, huling namataan si Uwan 125 kilometro sa kanluran hilagang kanluran ng Bacnotan, La Union, taglay ang maximum sustained winds na 150 kilometers per hour malapit sa sentro at gustiness na aabot sa 185 kph. Kumikilos ito pakanluran hilagang kanluran sa 20 kph.

Inaasahan ng pagasa na sa susunod na 12 oras ay magpapatuloy si Uwan sa west northwestward o northwestward na direksyon. Habang tumatawid ito sa West Philippine Sea, posibleng muling lumakas sa Martes.

Pagsapit ng Miyerkoles, 12 Nobyembre, inaasahang liliko ito pahilagang silangan patungong Taiwan Strait. Inaasahang hihina ang bagyo sa mga susunod na araw. Sa forecast track, posibleng tumama ang sentro ni Uwan sa western Taiwan sa Huwebes, 13 Nobyembre.

Patuloy na pinapaalalahanan ng PAGASA ang publiko na bantayan ang heavy rainfall, posibleng pagbaha at landslide, at sumunod sa mga abiso ng kani-kanilang City Disaster Risk Reduction and Management Office.

Kaugnay nito, umabot na sa humigit kumulang isang milyong residente ang inilikas sa Luzon at Visayas sa pagtama ng super typhoon Uwan na unang nanalasa sa Bicol Region kahapon.

Batay sa pinagsamang ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at Philippine National Police, nasa 270,682 pamilya o 916,863 katao ang lumikas mula sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas at Eastern Visayas.

Sa Catbalogan City, iniulat ng lokal na pulisya na dalawa ang nasawi, kabilang ang isang 64 anyos na babae na nadaganan ng debris at nabuwal na puno habang nag-eevacuate. Patuloy namang bineberipika ng Office of Civil Defense ang ulat na isa pang residente ang nalunod sa Viga, Catanduanes.

Ayon kay OCD Deputy Administrator Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, taglay ni super typhoon Uwan ang malalakas na hanging umaabot sa 185 kilometers per hour at pagbugso na 230 kph. Habang ibinibigay niya ang ulat, sinabi niyang nakararanas na ang Region 5 ng matitinding hangin at katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan, partikular sa Catanduanes. Halos lahat ng lalawigan sa Bicol, maliban sa Sorsogon, ay nawalan ng kuryente pagsapit ng 9 a.m., bahagi nito ay preemptive shutdown.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.