Valedictorian ng PMA, naging inspirasyon ang military career ng ama

0
398

Hindi naging madali para kay Krystlenn Ivany Quemado, valedictorian ng Philippine Military Academy (PMA) Class “Bagsik-Diwa” (Bagong Sibol Kinabukasan Didigma Hanggang sa Wakas) kahit na anak siya ng opisyal ng militar.

Bilang anak ni Col. Nicolas Quemado Jr. ng PMA Maalab Class of 1993, kailangan niyang patunayan ang sarili, ayon sa cadet first class sa kanyang valedictory address.

“Many people think that I grew up in a sheltered, privileged life. People do not see the other side of the coin, where I carry the burden of proving myself. That I can create my own identity through my own effort and determination,” ayon sa kanya sa kanyang kahapon.

Naalala niya ang pagiging exposed niya sa reyalidad ng buhay sa murang edad sa tuwing bumibisita siya sa mga kampo sa Mindanao kung saan nakatalaga ang kanyang ama.

Ginamit niya ang mga realisasyong iyon upang matupad ang kanyang mga pangarap na balang araw, “I, too, could bring honor to my father as the first child of a cavalier to graduate number one, not standing behind his shadow but following his life to a path of noble service”.

Nanawagan siya sa kanyang mga “mistah” na huwag magsawa sa pagtatrabaho, kahit sa maliliit na paraan, para sa ikabubuti ng bansa.

Pinaalalahanan din ni Quemado ang mga kabataan na sila ay “may mas malaking tungkulin na dapat gampanan”.

Si Quemado ang ikapitong babaeng kadete na nangunguna sa PMA mula nang magsimula itong tumanggap ng mga babae noong 1993.

Siya ay tumatanggap ng Presidential Saber, Philippine Navy Saber, Jusmag Saber, Australian Defense Best Overall Performance Award, Spanish Armed Forces Award, Agfo Award, Academic Group Award, Humanities Plaque, Management Plaque, Social Sciences Plaque, at Navy Professional Courses Plaque.

Sasali sa Philippine Navy si Quemado.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo