Vape shop nilimas ng 2 bagets, mahigit na P.2 milyong kinulimbat

0
414

GENERAL MARIANO ALVAREZ, Cavite. Tinutugis ngayon ng mga awtoridad ang dalawang binatilyong ng higit P.2 milyong halaga ng mga vape at vape juice mula sa isang vape store sa bayang ito.

Naganap ang ang insidente ng pagnanakaw bandang 5:27 ng madaling noong pasukin ng dalawang suspek ang tindahan. Kinilala lamang sa mga alias na “Junel Balat” at “Alam” ang dalawang suspek na menor de edad na mga residente ng Silang, Cavite. Ayon sa mga ulat, dumating ang may-ari ng tindahan ng vape at natuklasan niyang ninakaw ang mga produkto.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, napag alaman na sinira ng dalawang suspek ang ang isang bahagi ng tindahan at doon dumaan papasok. Dala ng mga ito ang iba’t ibang klase ng vape na nagkakahalaga ng mahigit sa P200,000, kasama ang mga vape juice.

Sa tulong CCTV sa tindahan, nakilala ang mga suspek at kasalukuyang isinasagawa ng mga awtoridad ang hakbang upang madakip ang dalawang menor-de-edad na nagnanakaw.

Nagpapakita ito ng pangangailangan para sa masusing pag-aaral at pangangalaga ng mga magulang at komunidad sa mga kabataan upang maiwasan ang ganitong uri ng krimen sa hinaharap, ayon sa pulisya.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.