Vaxxing ng 5-11 taong gulang sisimulan na sa Pebrero 4

0
433

Sisimulan ng gobyerno ang pagbibigay ng formulated Covid-19 vaccine sa mga batang edad 5 hanggang 11 taong gulang sa Pebrero 4, ayon kay National Task Force (NTF) Against Covid-19 chief implementer, Secretary Carlito Galvez Jr., kahapon, Lunes ng gabi.

“We are already prepared in the vaccination of 5 to 11 years old,” ayon kay Galvez sa pre recorded na Talk to the People.

Sinabi ni Galvez na maglalabas ang gobyerno ng memorandum guidance ngayong linggo, na may mga pagpupulong sa town hall na isasagawa mula Enero 24 hanggang 28, para sa rollout ng pediatric vaccination sa ilalim ng 5-11 years old age bracket.

Ang formulated low-dosing Pfizer Covid-19 vaccine na gagamitin para sa nakababatang populasyon ay inaasahang darating sa Pebrero 2, dagdag pa niya.

Isang pilot run ang isasagawa sa isang hospital-based at isa sa local government unit (LGU)-based vaccination site bawat lungsod, sa loob ng National Capital Region (NCR), para sa unang yugto.

Pagkatapos ng isang linggo, palalawakin ito sa iba pang inoculation sites ng Metro Manila at iba pang rehiyon, para sa ikalawang yugto.

“We will open the hospital and non-hospital vaccination site and we will expand the sites further to other regions after one week. Again, we will open our vaccination rollout on February 4,” ayon kay Galvez.

Ang pinakahuling datos mula sa NTF ay nagpakita na 7,246,430 kabataan, o mga bata na may edad 12 hanggang 17 taon, ang ganap na ngayong protektado laban sa Covid-19.

Inaasahan ng gobyerno na mababakunahan ang mahigit na 39.41 milyon na bata na may edad mula zero hanggang 17 taong gulang.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.