VCMs at election parapernalias dinispatsa na ng Comelec, PNP

0
450

Sta. Rosa City, Laguna. Ginanap ang Send-off Ceremony ng mga vote counting machines (VCM) at iba pang election supplies sa Comelec warehouse sa lungsod na ito kaninang 12:01 am.

Ang nabanggit na send-off ay sinaksihan ni Laguna Police Acting Provincial Director Police Colonel Cecilio R. Ison, COMELEC Chairperson Saidamen B Pangarungan, COMELEC Commissioners, Police Lieutenant General Rhodel O Sermonia, Deputy Chief for Administration of the Philippine National Police (TDCA), Police Brigadier General Antonio C. Yarra, PRO CALABARZON Director, Police Brigadier General Allan C Noblesa, DDO, PPCRV Representatives, at mga miyembro ng media .

Tiniyak ni Semornia sa COMELEC na handa ang PNP na i-secure ang transportasyon ng mga VCM at iba pang mga election paraphernalia. Ang mga security component ay ipinapadala sa iba’t ibang hub at port ng mga destinasyon upang matiyak na magkakaroon ng maayos, ligtas at mapayapang halalan para sa 2022, ayon sa kanya.

Nauna dito, ginarantiyahan ni poll spokesperson James Jimenez noong Biyernes na ihahatid sa tamang oras ang mga kagamitan sa halalan sa Mayo 9 hanggang sa pinakahuling presinto.

“From the transportation warehouses, the AES supplies will be delivered to the last mile or the voting precincts at the proper time,” ayon kay Jimenez.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.