Verbena at 2 weather systems magdadala ng maulan at maulap na panahon sa Luzon

0
418

MAYNILA – Magpapatuloy ang epekto ng Severe Tropical Storm Verbena, international name Koto, sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon kahit nasa labas na ito ng Philippine Area of Responsibility, habang ang shear line ay makakaapekto sa silangang bahagi ng Northern Luzon. Ramdam din ang amihan sa nalalabing bahagi ng hilagang rehiyon ngayong Huwebes, ayon sa PAGASA.

Kaninang alas tres ng umaga, namataan ang Koto sa labas ng PAR, 230 kilometro hilaga ng Pag-ASA Island sa Kalayaan, Palawan. Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 110 kilometro bawat oras, bugso na hanggang 135 kilometro bawat oras, at kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.

Magkakaroon ng pag-ulan na may kasamang malalakas na ihip ng hangin sa Kalayaan Islands dahil sa Verbena. Posibleng magkaroon ng flash floods o landslides bunsod ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan, na maaaring maging intense sa ilang pagkakataon. May minimal hanggang minor na banta sa buhay at ari-arian mula sa malalakas na hangin.

Ang nalalabing bahagi ng Palawan ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa trough ng Verbena. May banta ng flash floods o landslides dahil sa katamtaman hanggang kung minsan ay malakas na ulan.

Sa Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Mainland Cagayan, at Isabela, asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms dahil sa shear line. May posibilidad din ng flash floods o landslides dahil sa katamtaman hanggang malakas na pag-ulan.

Ang Ilocos Region, nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region, at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley ay makararanas ng maulap na kalangitan na may pag-ulan dahil sa amihan. May banta rin ng flash floods o landslides dahil sa katamtaman hanggang kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Sa Aurora at Quezon, magiging maulap ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa easterlies. Posible ang flash floods o landslides dahil sa katamtaman hanggang kung minsan ay malakas na ulan.

Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng partly cloudy to cloudy skies na may isolated rain showers o thunderstorms bunsod ng localized thunderstorms. Posible ang flash floods o landslides sa panahon ng severe thunderstorms.

Sa Northern Luzon, katamtaman hanggang malakas ang hanging mula hilagang silangan at magiging katamtaman hanggang magaspang ang dagat.

Sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon, katamtaman hanggang malakas ang hanging mula timog kanluran hanggang timog silangan, at magiging katamtaman hanggang magaspang ang karagatan.

Sa nalalabing bahagi ng Luzon, katamtaman ang hangin mula timog silangan hanggang silangan na may katamtamang taas ng alon.

Sa Visayas at Mindanao, magiging mahina hanggang katamtaman ang hangin mula timog silangan hanggang silangan, at bahagya hanggang katamtaman ang pag-alon ng dagat.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo