Nagpapatuloy ang paggalaw pahilagang kanluran ng Tropical Depression Verbena patungo sa Negros Island habang nananatiling nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa 29 lugar, ayon sa pinakahuling Tropical Cyclone Bulletin ng PAGASA.
Ayon sa ahensiya, ang sentro ng bagyo ay namataan sa coastal waters ng Pinamungahan, Cebu batay sa lahat ng available data kabilang ang Iloilo Doppler Weather Radar. Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at bugso ng hanggang 90 kilometro bawat oras, na may central pressure na 998 hPa.
Kumikilos ang Verbena sa bilis na 25 kilometro bawat oras, na may malalakas na hangin na umaabot hanggang 200 kilometro mula sa sentro. Bandang 2:40 a.m., kinumpirma ng PAGASA na nag-landfall ito sa Talisay, Cebu.
Nananatili ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, hilaga at gitnang bahagi ng Palawan kabilang ang Calamian, Cuyo at Cagayancillo Islands, mainland Masbate, Antique, Aklan, Capiz, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, Negros Oriental, Siquijor, Cebu, Bohol, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Dinagat Islands, Surigao del Norte, hilagang bahagi ng Surigao del Sur, Agusan del Norte, hilagang silangang bahagi ng Agusan del Sur, Camiguin, Misamis Oriental, hilagang bahagi ng Misamis Occidental at hilagang bahagi ng Zamboanga del Norte.
Ayon sa PAGASA, inaasahang magdadala ng:
- Heavy to intense rains (100-200 mm): Quezon
- Moderate to heavy rains (50-100 mm): Cagayan, Isabela, Aurora, Batangas, Rizal, Laguna
- Heavy to intense rains (100-200 mm): Palawan, Antique, Aklan, Capiz, Iloilo, Guimaras, Cebu, Bohol, Negros Occidental, Negros Oriental, Siquijor, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon
- Moderate to heavy rains (50-100 mm): Biliran, Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Southern Leyte, Leyte, Marinduque, Catanduanes, Masbate, Albay, Sorsogon, Camarines Norte, Camarines Sur, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Camiguin
Pinaalalahanan ng PAGASA ang publiko na ang wind signals ay indikasyon ng inaasahang lakas ng hangin sa mga apektadong lugar. Maaaring mas malakas ang hangin sa coastal at upland areas, habang mas mahina naman sa mga lugar na protektado sa direksyon ng hangin. Minimal hanggang minor na epekto mula sa malalakas na hangin ang posibleng maranasan sa mga lugar na nasa Signal No. 1.
Mararamdaman din ang strong to gale-force winds dahil sa Northeast Monsoon at Verbena sa Luzon, Visayas, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Agusan del Norte, Surigao del Sur, Davao Oriental, Misamis Oriental, Lanao del Norte, Misamis Occidental at Zamboanga del Norte.
Nananatili ang gale warning sa seaboards ng Northern Luzon.
Matapos ang landfall sa Talisay City, inaasahang tatawid ang Verbena sa Visayas at hilagang bahagi ng Palawan ngayong Martes bago lumabas sa West Philippine Sea pagsapit ng Miyerkules. Mula roon ay tatalikod ito pa-kanluran at dadaan sa hilaga ng Kalayaan Islands bago tuluyang lumabas sa Philippine Area of Responsibility sa Huwebes.
Nagdeklara ng class suspensions sa ilang lugarngayong Martes, November 25 dahil sa masamang panahon na dulot ng Tropical Depression Verbena.
Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development na sapat ang naka-preposition na tulong para sa mga maaapektuhan ng bagyo. Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, higit isang milyong family food packs ang nakahanda bago pa man ang pananalasa ng Verbena na nagdulot na ng pagbaha sa ilang bahagi ng Mindanao.
Ilang kabahayan ang inanod ng rumaragasang baha sa Mindanao dahil sa malakas na pag-ulan bago pa man ang landfall ng bagyo sa Surigao del Sur.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo





