Vergeire itinalaga bilang hepe ng undersecretary ng DOH, Tayag bagong chief information officer

0
145

Itinalaga ni bagong Health Secretary Teodoro “Ted” Herbosa ngayong araw si Undersecretary Maria Rosario Vergeire upang mamuno sa lahat ng mga undersecretary na nangangasiwa sa mga operasyon sa Department of Health (DOH), at si Undersecretary Eric Tayag bilang punong chief information officer.

Nagsilbi si Vergeire bilang officer-in-charge ng DOH bago ang pagtalaga ni Herbosa.

“I gave her a position of chief of all the undersecretaries that are in charge of our operations of all the different regions, because we have four undersecretaries taking care of the DOH activities in Northern Luzon, Central Luzon, Southern Luzon, Visayas and Mindanao,” ayon kay Herbosa sa isang panayam ng ANC.

“She will be helping me, helping me deliver the goals. Her experience and previous job of caretaker of DOH will continue in that segment of operations,” dagdag niya.

Dahil ang pangunahing prayoridad ni Herbosa bilang kalihim ng kalusugan ay ang overhaul DOH, sinabi niya na ang pagpili kay Tayag chief information officer ay napapanahon.

Binanggit niya ang termino ni Tayag bilang direktor ng Knowledge Management and Information Technology Service mula 2016 hanggang 2022.

“Ang digitalisasyon ng DOH ang aking prayoridad at kikilos siya upang tiyakin na ating dadalhin sa digital ang serbisyong pangkalusugan upang maging abot-kamay ito sa mga pinakamalalayong lugar sa bansa,” pahayag ni Herbosa.

Ipinaliwanag niya na ang digitalisasyon ng DOH ay isa sa kanyang mga medium-term na layunin, partikular na upang i-digitalize kung paano inilalabas ng kagawaran ang serbisyong pangkalusugan, kung paano ginagastos ang badyet, at kung paano sinusubaybayan ang mga operasyon ng DOH.

Inanunsyo ng Presidential Communications Office ang pagtalaga kay Herbosa bilang kalihim ng kalusugan noong Lunes, Hunyo 5. Nanumpa siya kinabukasan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.