Vertigo o pagkahilo dahil sa maling kagat 

0
1321

Nabunot na ngipin o mali ang kagat posibleng dahilan ng vertigo o pagkahilo. Tandaan natin na ang jaw joints o ang temporomandibular joint ay malapit lamang sa structure ng tenga, ito ang tinatawag na temporal bone, parte ito ng ating bungo na matatagpuan sa gilid ng ating ulo.  

Kapag ang ating kagat ay nabago dahil sa pagkakabunot ng ngipin na hindi nalagyan ng artificial teeth ay nagiging dahilan ng pagbagsak ng ating vertical height ng kagat at tuluyang aatras ang panga na magiging sanhi ng pagbangga ng jaw joints sa ating tenga (external auditory meatus). Ganun din ang sungki sungking ngipin at vehicular accident dahil sa trauma. 

Ang Eustachian fluid na matatagpuan sa loob ng tenga ay responsible para sa ating balance na na paggalaw kaya nakakaranas tayo ng pagkahilo kung mali ang ating kagat. 

Nagkakaroon muna ng mga referral o  humihingi ng opinion ang mga TMJ Dentist sa mga Ear Nose Throat o ENT doctors para masuri ang structure ng mga tenga at kung ito ay mapapatunayan na walang problema saka pa lamang ito gagamutin ng mga dentista para itama ang kagat ng pasyente. 

Bukod sa pagkahilo kabilang din ang pag ugong sa tenga (buzzing sound), hissing or ringing sound, pagkabingi (subjective hearing loss) , ear pain without infection (otalgia), makating tenga (itchiness), pakiramdam na parang punong puno ang tenga, at pakiramdam na parang barado ang tenga (clogged ear). 

Ito ang bumubuo ng mga signs and symptoms of the ears na related sa temporomandibular disorder/TMJ-D o sakit sa panga. Nagagamot naman ito sa pamamagitan ng TMJ Treatment o pagsasaayos ng kagat ngunit kailangan bumilang ng 4-6 buwan o higit pa upang mawala kasabay ng obserbasyon. 

Kaya ang palaging paalala ng mga dentista sa mga pasyente ay bumisita sa mga dental clinic upang masuri ang kanilang ngipin at panga kada anim na buwan. Dagdag pa dito ang pang iingat ng mga ngipin tulad ng pag aalaga sa ibang parte ng ating katawan dahil ang isang ngipin ay napakahalaga. Maaaring maging dahilan ito ng mga sakit na ating nararanasan at maaaring maapektuhan ang kalidad ng ating buhay samantalang dapat tayo ay komportable at masaya. 

Panoorin ang vlog na kalakip nito upang higit na maunawaan kung ano ang koneksyon ng vertigo sa ating kagat. 

Author profile
Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD

Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD, FPFA, a distinguished Doctor of Dental Medicine, combines clinical excellence with a passion for community engagement. A graduate of Centro Escolar University in Manila, Dr. Sumague specializes in Orthodontics, Cosmetic Dentistry, and Craniocervical Craniosacral TMJ. His leadership is evident through his role as past President of the Philippine Dental Association San Pablo City Chapter and as a dedicated member of JCI 7 Lakes.

Beyond his dental practice, Dr. Sumague is a multifaceted individual. As a Fellow of the Pierre Fauchard Academy and a Professor at Centro Escolar University, he remains committed to advancing the field of dentistry. His ability to connect with audiences is showcased through his work as a social media influencer, radio DJ/anchor for J101.5 FM Big Radio, and former correspondent for Isyu Balita. He now contributes to Tutubi News Magazine, sharing his diverse perspectives with a wider audience.