Veteran broadcast journalist Dong Puno, pumanaw na sa edad na 76

0
611

Pumanaw na kanina, Pebrero 15, 2022, ang beteranong broadcaster at abogado na si Ricardo “Dong” Puno Jr.

Si Puno, na host ng iba’t ibang programa sa public affairs sa telebisyon sa Pilipinas at nagsulat din ng mga kolum para sa mga pahayagan, ay namatay sa edad na 76 bandang 12:15 p.m. kanina.

Nagsilbi rin siya bilang senior vice president para sa News and Current Affairs ng dating higanteng telebisyon sa ABS-CBN news and current affairs.

Itinalaga si Puno bilang press secretary ni dating Pangulong Joseph Estrada noong 2000. Tumakbo siya ngunit natalo sa senatorial race sa taon ding iyon.

Siya ay anak ng dating Justice Minister at Court of Appeals Associate Justice Ricardo Puno Sr.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.