Vic Amante, naiproklama na ng Comelec bilang bagong mayor ng SPC

0
622

San Pablo City, Laguna. Ipinahayag ng Comelec ang pagkapanalo ni Vic Amante bilang bagong alkalde sa lungsod na ito kagabi kasama ang kanyang katiket na vice mayor at siyam na konsehal sa kanyang slate.

Sa presensya ni Atty. Ed Marilim, pinangunahan ni Comelec Region IV-A Election Officer Patrick H. Arbilla ang proklamasyon ni Amante bilang bagong halal na mayor ng San Pablo City na nakakuha ng botong  81,712 laban kay Najie Gapangada na nakakuha ng 44, 051 na boto.

Kasabay nito ay ipinahayag din ang panalo ng kandidatong vice mayor ni Amante na si Justin Colago na kumuha ng 71,878 na boto laban sa pumangalawang katunggali na si Pamboy Lopez na nakakuha ng 37842 na boto.

Kabilang din sa mga ipinahayag na nagwagi sa ginanap na lokal na eleksyon ang sampung kandidatong konsehal sa tiket ni Amante na sina Carmela Acebedo, Gel Adriano, Angie Yang, Richard Chad Pavico, Ambo Amante, Dandi Medin, Cesarito Ticzon, Francis Calatraba at Tibor Amante.

Nanguna si Acebedo sa pinakamaraming nakuhang boto na 84,193. Sumunod si Yang sa botong 78,118.

Pumasok bilang panlima sa sampung miyembro ng sangguniang panlunsid si Dandi Medina na isang independent candidate matapos makakuha ng 55,392 na boto.

Samantala, nakatakdang iproklama sa Sta. Cruz, Laguna ang bagong congressman ng ikatlong distrito ng Laguna na  Amben Amante, ang incumbent na mayor ng San Pablo City.

Pumasok bilang panlima sa sampung miyembro ng sangguniang panlsundo si Dandi Medina na isang independent candidate maytapos makakuha ng 55,392 na boto.

Number one councilor si Carmela Acebedo na kumuha ng botong 84,193.
Kabilang sa ipinahayag ni Election Officer Patrick H. Arbillana na mga nagwagi sa lokal na halalan 2022 sa San Pablo City mga bagong miyembro ng Sangguniang Panlunsod ng San Pablo sina Carmela Acebedo, Angie Yang, Gel Adriano, Chad PAvico, Ambo Amante, Cesarito Ticzon, Francis Calatraba, Buhay Espiritu at Tibor Amante.
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.