Violators ng MPHS, ipapasara at kakanselahin ng DILG ang safety seals

0
303

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayon, Nobyembre 18, 2021 sa lahat ng  establisyemento na hindi sumusunod sa Minimum Public Health Standards (MPHS) at iba pang mga alituntunin na nasa ilalim ng  Alert Level System na maaaring bawiin ang kanilang mga Safety Seal at masuspindi ang kanilang mga business permit dahil sa paglabag sa Covid-19 safety rules and regulations.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, nakakatanggap ang departamento ng mga reklamo mula sa publiko hinggil sa mga establisyimento partikular sa operational capacity at ang hindi pagsunod sa utos na mga fully vaccinated lamang ang dapat makapasok sa mga indoor establishments kagaya ng mga restaurant, amusement park, recreational venue, fitness studio at mga gym.

“Many restaurants and indoor establishments are not checking the vaccination status of their customers and are violating the 50% operational capacity for indoor establishments and 70% operational capacity of outdoor establishments,” ayon kay Malaya.

Ayon sa kanya, ang mga establisyementong ito ay mahigpit na binabalaan ng pamahalaan na babawiin ang kanilang mga Safety Seals na magpapawalang bisa sa kanilang additional 10% operational capacity at mawawala din ang badge of honor na sila ay sumusunod sa lahat ng public health standards laban sa COVID-19. Idinagdag ni Malaya na ang mga repeat violators o ang mga walang Safety Seal ay irerekomenda ng DILG na bawian na ng business permit ng nakakasakop na local government unit (LGU).

Inutusan ng DILG ang lahat ng LGU at Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng mahigpit na inspeksyon sa mga  establisyemento upang matiyak na ang lahat ay sumusunod sa Covid-19 guidelines. Binigyan din ng direktiba ang mga LGU na mag isyu ng Show Cause Order laban sa mga lumalabag.

“We cannot be complacent at this time. Even if cases are going down and vaccination is going up, we cannot put our guard down. Look at Europe, their vaccination rate is high but they are now undergoing a new surge. Vigilance will prevent another surge,” ang mariing pahayag ni Malaya.

Humihingi ng tulong sa publiko ang DILG na ireport ang makikitang mga insidente ng paglabag sa MPHS sa mga kaukulang ahensya na may kinalaman sa pagbibigay ng Safety Seal kagaya ng: DTI, DILG, DOLE, DOT or LGU upang makapagsagawa ng imbestigasyon at maparusahan ang mga violators sa lalong madaling panahon, ayon pa rin sa report.

Maaaring isumbong ang mga lumalabag na business establishments na may Safety Seal sa kanilang LGU o sa DILG Public Assistance Hotline 892-50343; 892-51144; 09274226300; 09313849272.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo