Virtual digital print for packaging conference para sa MSMEs, idinaos ng DTI Laguna

0
227

Victoria, Laguna. Patuloy ang suporta ng Department of Trade and Industry (DTI) Calabarzon sa pamamagitan ng  DTI Laguna Provincial Office sa pagsasagawa ng inobasyon at pagtulong sa mga MSME na makalikha ng world-class na mga produkto at pinahusay na kalidad ng packaging sa gitna ng umiiral na pandemya.

Pinangasiwaan ng DTI Laguna Provincial Office at mga katuwang nito sa digital technology ang isang Facebook livestream Webinar ng Business Conference Digital Transformation thru Packaging sa pamamagitan ng mga label at packaging ng NORDE International at HP Philippines at HP Singapore noong Enero 18, 2022.

Layunin ng nabanggit na virtual conference na ipakilala ang Packaging Hub Program ng NORDE International, HP Philippines at HP Singapore na nag-aalok ng teknolohiya na maaaring makagawa ng mataas na kalidad na packaging, magbigay ng mass customization, suportahan ang sustainable packaging at matiyak ang proteksyon ng tatak.

Ang kaganapan ay tinampukan ng mensahe ni DTI Region 4A Regional Director Marilou Q. Toledo, DTI Laguna Provincial Director Clarke S. Nebrao, Ms. Cherry Santos ang NORDE International Division Manager, Ms. Ivy Joan Tamisin ang HP Indigo Country Manager at DTI Laguna Business Development Chief, Ms. Marcelina Alcantara.

Pinangunahan ng HP Singapore ang talakayan sa digital transformation kung saan ay ibinahagi ni Mr. Yoav Lotan ang HP APJ Product & Solutions Head ang mga label a packaging na uso sa merkado.  Tinalakay naman ni Mr. Dennis Choo, HP APJ Solutions Architect ang inobasyon sa packaging at disenyo ng label. Para sa karagdagang talakayan, pinangunahan ni G. Edcent Chan, Asia Pacific – COE Manager ang live demo mula sa HP Singapore kasama sina Mr. Derek Cheng at Mr. Benjamin Tan, Pre-Sales Technical Specialists ang nagpapakita ng mga digital printer na HP Indigo 6K at HP Indigo 12000 press at iba pang mga produkto nito.

Ang nabanggit na aktibidad ay nagsisilbing unang serye ng mga pagsasanay at seminar na iniaalok ng DTI-Laguna sa mga kliyente at stakeholder nito. Ito ay tugon sa pagiging masigasig ng MSMEs na magpatuloy bilang gulugod ng ekonomiya na inaasahang magpapalakas ng pananalapi ng bansa.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.