Vlogger at 2 suspek nahulihan ng PhP 3.7M na halaga ng Marijuana

0
677

San Pablo City, Laguna. Arestado ang tatlong suspek sa ilalim ng buy-bust operation na isinagawa ng San Pablo City Police Station (CPS) at nakumpiska sa kanila ang PhP 3.7M na halaga ng High Grade Marijuana.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang mga suspek na sila Jerome Zapanta Layson alias Jhem Bayot, 31 anyos na vlogger; Ginalyn Pintang Benisa alias Nalyn, 30 anyos na helper at Crismark Balboa Alimagno alias Lake, 21 anyos na helper at pawang mga residente Brgy. San Isidro, San Pablo City, Laguna.

Ayon sa San Pablo CPS, ang tatlong nabanggit na suspek ay inaresto isinagawang buy bust operasyon sa ganap 3:18 ng madaling araw ng September 10, 2022 sa nabanggit na barangay.

Nasamsam naman sa mga suspek ang mga pakete na naglalaman ng high grade na dahon at buto ng Marijuana na may timbang na 2.5 kilos at tinatayang nagkakahalaga ng Php3,750,000.

Kasalukuyang nasa San Pablo CPS custodial facility ang mga suspek habang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa kanila.

Kaugnay nito, sinabi ni Silvio na kung hindi titigil ang mga nagbebenta at gumagamit ng mga ipinagbabawal na droga ay mas lalong hindi titigil ang Laguna pulis sa pagkilos laban sa droga.

“Makakaasa po ang mamamayan ng lalawigan ng Laguna sa mas pinaigting na mga operasyon kontra droga. Nananawagan ako sa mga kabataan natin na huwag na silang makisangkot sa mga ganitong gawain upang hindi masira ang kanilang mga kinabukasan.”

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.