VP Sara Duterte, handa sa impeachment; dating Pangulong Duterte, tatayong abogado

0
37

MAYNILA. Tiniyak ni Vice President Sara Duterte na handa siyang harapin ang tatlong impeachment complaints na isinampa laban sa kanya kaugnay ng umano’y maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP).

Sa isang media interview, mariing sinabi ni VP Sara, “Well, I am confident that I did not break any law. I did not do anything illegal… Kapag nandiyan na ang kaso, haharapin pa rin namin.” Aniya pa, handa ang kanyang mga abogado upang idepensa siya laban sa mga reklamong kinakaharap.

Samantala, inihayag ng Bise Presidente na nagboluntaryo ang kanyang ama, dating Pangulong Rodrigo Duterte, na tumayong abogado sa kanyang impeachment cases. Ayon kay VP Sara, ito ang sinabi sa kanya ng dating pangulo noong Noche Buena.

“Sabi niya na, since hindi ko tatanggapin ‘yung pera, mag-lawyer siya para sa akin. So sinabi niya, he will be a collaborating counsel for all cases,” ani VP Sara.

Binigyang-diin din ng Bise Presidente na kasalukuyan nang pinag-aaralan ng kanyang legal team, kasama ang dating pangulo, ang mga kasong isinampa laban sa kanya. Sinabi rin niyang hinihintay na nila ang articles of impeachment mula sa House of Representatives.

“Gumawa kami ng mga inventory of cases base sa mga nabasa namin sa media based on interviews sa agencies of government, House of Representatives, Department of Justice, NBI, and PNP. And then each case may assigned lawyer to handle the case,” dagdag pa niya.

Bukod dito, nanindigan si VP Sara na wala siyang nilabag na batas, at handa siyang patunayan ito sa harap ng Kongreso at publiko.

Patuloy na inaabangan ang magiging takbo ng mga impeachment complaints laban kay VP Sara, at ang papel ng dating Pangulong Duterte bilang isa sa kanyang mga abogado ay nagdadagdag ng interes sa publiko.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.