VP Sara Duterte umalis na sa Kamara; Pagharang sa house order, pinuna

0
160

MAYNILA. Umalis na sa Batasan Complex si Vice President Sara Duterte upang samahan ang kanyang Chief of Staff na si Zuleika Lopez para sa isang medical check-up matapos iutos ng Kamara ang paglilipat nito sa Women’s Correctional Facility.

Ayon sa ulat, alas-3:01 ng madaling araw nang umalis si VP Sara sakay ng ambulansya ng Philippine National Police (PNP). Nakita si Lopez na nakahiga sa stretcher at dinala sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

Matatandaang nanatili si VP Sara sa Batasan mula Huwebes ng gabi kahit pinakiusapan na siya ni House Sergeant-at-Arms Napoleon Taas na lisanin ang lugar dahil sa usaping pangseguridad at kawalan ng awtorisasyon para manatili roon.

Sa bisa ng kautusan ng House Committee on Good Government and Public Accountability, inatasang ilipat si Lopez sa Women’s Correctional Facility sa Mandaluyong City. Nauna nang pinatawan ng contempt si Lopez ng nasabing komite at nakakulong simula Nobyembre 20.

Samantala, matindi ang naging kritisismo ni Taas sa umano’y “nakakaalarmang acts of defiance” ni VP Sara, na hinadlangan ang transfer order ng Kamara.

“The execution of this lawful order was directly obstructed by Vice President Sara Duterte, who took the extraordinary step of introducing herself as Atty. Lopez’s legal counsel and physically intervening to prevent the service of the transfer order,” pahayag ni Taas sa isang press conference.

Dagdag pa niya, “This act of interference demonstrates a blatant disregard for institutional authority and due process, setting a dangerous precedent for abuse of power.”

Ipinaliwanag din ni Taas na pinalala ni VP Sara ang sitwasyon dahil sa kanyang “overstaying visit” at hindi pagsunod sa mga patakaran ng Kamara. Matapos ang visiting hours, pinakiusapan siyang umalis ngunit nagkulong umano ito sa opisina ni Davao City Rep. Paolo Duterte. Dahil dito, iniutos ni Taas ang lockdown ng lugar.

“VP Sara compromised protocols by bringing an excessive and unauthorized armed presence into the complex. There is a strict no firearm policy inside the House, something that even congressmen adhere to,” dagdag pa niya.

Tinapos ni Taas ang kanyang pahayag sa pagsasabing, “These alarming acts of defiance by Vice President Duterte severely undermined the authority of the House and disrupted its operations.”

Nananatiling mainit ang usapin habang hinihintay ang susunod na hakbang ng Kamara kaugnay ng insidente.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo