VP Sara kinasuhan ni Trillanes ng plunder, malversation, at graft sa Ombudsman

0
232

MAYNILA — Naghain si dating senador Antonio Trillanes IV, kasama ang civil society group na The Silent Majority, ng mga reklamong plunder, malversation, at graft laban kay Vice President Sara Duterte sa tanggapan ng Ombudsman nitong Miyerkules.

Sa reklamong inihain, inakusahan si Duterte ng umano’y hindi tamang paggamit ng bilyon-bilyong pisong confidential funds at iba pang pondo ng pamahalaan. Ayon sa mga nagrereklamo, saklaw ng mga alegasyon ang kanyang panunungkulan bilang vice mayor at mayor ng Davao City, gayundin ang kanyang mga tungkulin bilang bise presidente at dating kalihim ng Department of Education.

“Tayo ay nanawagan sa Ombudsman na bigyan ng mabilis na aksyon ang mga kasong naisampa para mapanagot siya sa kanyang mga kasalanan sa ating bayan,” pahayag ni Trillanes.

“This is about accountability,” dagdag pa niya sa panayam sa mga mamamahayag.

Wala pang pahayag ang kampo ni Pangalawang Pangulo Duterte hinggil sa mga reklamong inihain laban sa kanya. Ang Ombudsman ay inaasahang magsasagawa ng paunang pagsusuri upang matukoy kung may sapat na batayan ang mga alegasyon para sa karagdagang imbestigasyon.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo