Wala ng Comelec debate, panel interview nakatakda sa Mayo 2 – 6

0
308

Ang huling bahagi ng tatlong bahagi na “PiliPinas Debates 2022” ng Commission on Elections (Comelec) ay magiging interview na ang format.

The taped interviews, renamed “COMELEC-KBP Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas) Pilipinas Forum 2022, are tentatively scheduled to air on May 2 to 6 with all candidates to undergo a one-hour panel interview,” ayon sa advisory na ipinalabas kanina.

Maaari silang pumili sa isang virtual o face-to-face na panayam.

Sinabi ng poll body na pinag sisikapan nila ang mga kaganapan para sa debate dahil sa hindi pagkakasundo sa iskedyul ng mga kandidato.

Ang hindi nabayaran na mga atraso sa Sofitel Philippine Plaza Manila, venue ng unang dalawang bahagi ng debate, ay naging dahilan din sa hindi natuloy debate noong nakaraang weekend.

Sinabi ni Commissioner George Garcia na ang guidelines ay ilalabas sa Martes.

“Comelec has the final say, including editing. The panelist will be provided by KBP,” ayon sa kanya sa ipinalabas na statement.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.