Walang face-to-face classes sa ilang lugar sa Batangas, Laguna dahil sa vog

0
658

Suspendido ang face-to-face na klase sa ilang mga bayan sa lalawigan ng Batangas at Laguna ngayong Lunes, Oktubre 9, dahil sa volcanic smog o vog mula sa Bulkang Taal.

Face-to-face na klase sa lahat ng antas, public at private schools. Narito ang listahan ng mga bayan na apektado:

  • Agoncillo
  • Alitagtag
  • Batangas City
  • Bauan
  • Calaca City
  • Calatagan
  • Cuenca
  • Ibaan
  • Lipa City
  • Lemery
  • Lian
  • Lobo
  • Malvar
  • Mataasnakahoy
  • Nasugbu
  • Padre Garcia
  • Rosario
  • San Jose
  • San Luis
  • San Pascual
  • Taal
  • Tanauan City
  • Taysan
  • Talisay

Lahat ng antas, public at private schools:

  • Balete
  • Calatagan
  • Laurel
  • San Juan

Elementary hanggang senior high school, public at private schools:

  • Sto. Tomas City (kasama ang Alternative Learning System)
  • Tuy (shift to modular and online)

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal. Naitala rin ang total average na 2,887 tonnes/day na sulfur dioxide (SO2) emission noong Biyernes, Oktubre 6. Simula pa lamang noong unang linggo ng Setyembre ay nakakaranas na ng vog sa paligid ng bulkan.

Paalala ng Phivolcs na iwasan ang paglabas kung hindi kinakailangan at magsuot ng face mask kung lalabas ng bahay. Maari ring magdulot ng acid rain ang vog, na maaring makaapekto sa mga tanim at maging sa mga bubong ng bahay at gusali, ayon pa rin ahensya.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.