Walang kuryente sa Rizal, Bulacan, Laguna, QC sa Jan 21-24

0
359

Makararanas ng pansamantalang kawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng Rizal, Bulacan, Laguna, at Quezon City mula January 21 hanggang 24, ayon sa Manila Electric Company (Meralco) nitong Sabado.

Batay sa abiso na naka-post sa website ng Meralco, ang mga oras ng scheduled brownouts ay dulot ng maintenance works na isasagawa sa mga apektadong lugar.

January 21, Rizal Province (Cainta at Taytay), Sa pagitan ng 9 a.m. at 9:30 a.m.; at 1:30 p.m. at 2 p.m.

  • Bahagi ng Greenwoods Ave. mula Ejercito Ave. patungo sa Greenwoods Executive Village Phases 9, 8G, at 10 sa Bgy. San Andres, Cainta
  • Bahagi ng Ejercito Ave. mula Tapayan Bridge patungong West Bank Road, kabilang ang Bagong Pag-Asa BERM Subd., Verde Grande Subd., Shell Gas Station, at IPM Trading and Development Corp. sa Bgys. San Juan at Sta. Ana, Taytay
  • Bahagi ng West Bank Road mula Ejercito Ave. patungo sa Damayan Subd., Nagkaisang Tinig Subd., Resettlement Subd., San Juan Sitio Siwang; at Daehan College of Business and Technology sa Bgy. San Juan, Taytay
  • Rason: Relocation ng poles at line reconductoring works sa kahabaan ng Ejercito Ave. sa Bgy. San Juan, Taytay

January 22, Bulacan (Malolos City), Sa pagitan ng 9 a.m. at 9:30 a.m.

  • Bahagi nt Bulacan St. mula sa malapit sa Taal Road hanggang JACC Gas Station; at Purok Gitna sa Bgy. Mambog
  • Bahagi ng Taal Road mula Bulacan St. hanggang malapit sa Bancal – Taal St. saklaw ang Purok 1, 2, 3 at Wakas sa Bgys. Bangkal, Niugan at Taal
  • Reason: Line reconstruction works sa Bgys. Bangkal, Mambog at Taal sa Malolos City

January 23, Laguna (Sta. Rosa City) Sa pagitan ng 10 a.m. at 1 p.m.

  • Villa Caceres Subd. sa City Proper
  • Rason: Line maintenance works sa Villa Caceres Subd., City Proper, Sta. Rosa City

January 23-24, Quezon City (Balintawak at Balong Bato), Sa pagitan ng 11 p.m., January 23 at 4 a.m., January 24

  • Bahagi ng Epifanio delos Santos Ave. (Edsa) Northbound mula Meralco – Balintawak substation patungong North Luzon Expressway (NLEX) East Service Road saklaw ang A and S Lamps Co. Inc., Antar Trading Co., Buhler Philippines Inc., CFAL Oasis Development Corp., Jbw Floorcenter Inc., Motor and Carriage Inc. (Hyundai North Edsa) and Scientific Environmental and Analytical Laboratory and Services Inc. sa Bgys. Apolonio Samson at Unang Sigaw sa Balintawak
  • Bahagi ng NLEX East Service Road mula Edsa Northbound hanggang malapit sa Dimaano Drive sa Bgy. Balong Bato saklaw ang Gana Compound sa Bgy. Unang Sigaw, Balintawak

Ang dahilan ng power interruption, ayon sa Meralco ay ang ang mga gagawing line maintenance works sa buong span ng Epifanio delos Santos Ave. (EDSA) Northbound sa mga Barangay Apolonio Samson at Unang Sigaw sa Balintawak.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo