Walang nasaktang Pinoy sa missile attack ng Iran sa Israel

0
108

MAYNILA. Walang Pilipino ang nasawi sa missile attack na isinagawa ng Iran sa Israel, pati na rin sa nangyaring mass shooting sa Tel Aviv noong Martes, Oktubre 1, ayon sa ulat ng Philippine Embassy sa Israel.

“Upon receiving reports of an impending attack, the Embassy immediately instructed Filipinos in Israel to be prepared to enter bomb shelters once they receive a text/app alert or upon hearing an alert siren,” ayon sa pahayag ng embahada.

Dagdag pa rito, ang embahada ay nakipag-ugnayan sa mga lider ng Filipino community sa pamamagitan ng social media at messaging platforms upang agad na maipakalat ang mga safety advisory.

“As a result, most Filipinos were already sheltering in place or already inside safe rooms when the shooting took place and shortly before the missile attack at about 7:30 p.m.,” ayon pa sa embahada.

Nagpasalamat din ang embahada sa mabilis na pagtugon ng mga Pilipino sa kanilang mga safety guidelines. “We thank you kababayans for quick adherence to the Embassy’s safety guidelines, as well as the IDF Home Front Command for its timely alerts. Filipinos are now back to their daily routines, but remain ready and alert for emergencies,” dagdag pa nila.

Sa kabila ng pagbalik sa normal na pamumuhay, patuloy pa rin ang mga Pilipino sa Israel na maging alerto para sa anumang emerhensiya na maaaring mangyari.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo