Walang nasawi sa sagupaan ng Army-NPA sa Batangas

0
284

San Juan, Batangas. Nagsagupaan ang mga sundalo at hinihinalang mga miyembro New People’s Army (NPA) noong Huwebes, Setyembre 8, sa bayang sa lalawigan ng Batangas.

Ayon sa ulat ng Batangas Provincial Police Office, ang mga nagpapatrulyang sundalo sa pamumuno ni Sergeant Michael De Mesa mula sa Army’s 201st Infantry Brigade ay nakatagpo ng hindi bababa sa 10 mga komunistang gerilya sa Barangay Quipot.

Tumagal ng 10 minuto ang labanan bago umatras ang mga rebelde. Walang iniulat ang pulisya na nasawi sa magkabilang panig.

Narekober ng mga sundalo ang hindi sumabog na M203 grenade, isang bolo, at mga personal na gamit na iniwan ng mga rebelde sa encounter site.

Nagtalaga na ng mga tropa upang tugisin ang mga rebelde.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.